FXverify - Sistema sa Pag-rate ng mga Na-verify na User

Sa loob ng mahigit 10 taon, ang Clear Markets Ltd., ang parent company ng CashBackForex.com, RebateKingFX.com, at ngayon FXverify.com, ay isa sa mga nangungunang tagapagpakilala ng mga forex at CFD trading account sa buong mundo para sa halos lahat ng nangungunang forex broker.

Ginawa ang FXverify sa layuning punan ang kakulangan ng mga tradisyonal na sistema sa pag-review. Pinapahintulutan ng mga tradisyonal na sistema na makapagsulat ang sinuman ng rating (kabilang ang mga empleyado at kalaban ng broker) pati na ang mga wala namang account.

Tunay na naiiba ang website namin. Inilalathala lang ng FXverify ang reviews sa mga forex broker mula sa traders na may real trading account sa naturang broker.

Nakatutok kami sa pagbibigay sa mga ipinakilalang kliyente ng pinakamagandang tools para makagawa sila ng mainam na desisyon hangga't maaari. Nag-aalok kami ng oportunidad sa komunidad ng forex na ipaalam ang nagustuhan at hindi nila nagustuhan sa kanilang broker, sa isang ligtas at walang-kinikilingang kapaligiran.

Layunin ng FXverify na maging sangguni ng lahat ng forex trader na gustong ialok at ibahagi ang kanilang mga opinyon at rekomendasyon sa iba. Higit sa lahat, pakay ng FXverify na maging mapagkukunan ng walang-kinikilingang impormasyon para sa mga bagong trader (o sa mga hindi nasisiyahang traders) na naghahanap ng mapagkakatiwalaan at maaasahang broker. Alamin kung paano tumatakbo ang walang-kinikilingang sistema sa pag-review ng mga broker sa FXverify.

Paano Namin Bini-verify Kung may Real Account sa Broker ang Isang Trader

Paraan 1: Ang bawat trader na kumikita ng cashback rebate sa kanilang trades, sa isa aming mga naka-link na provider, ay kailangan munang magpa-verify ng kanilang live trading account gamit ang account database ng broker. Ang mga na-verify na may-ari ng trading account ay hihikayating sumulat ng review para sa mga broker kung saan mayroon silang naka-verify na account.

Paraan 2: Maaaring ipa-access ng sinumang trader na nagti-trade sa MetaTrader 4 o MetaTrader 5 platform ang kanilang read-only Investor login at password para patunayan na mayroon silang live trading account sa broker na gusto nilang sulatan ng review.

Mga Bentahe ng Sistema ng FXverify sa Pag-review ng mga Broker

✔️ Tumpak na pag-poll: Ang mga may-ari ng live trading account, mula sa napakalawak na database ng mga naka-link na broker, ay dumarami ng mahigit 1,000 bagong account buwan-buwan. Patuloy silang hinihikayat na magsulat ng review tungkol sa broker kung saan mayroon silang account. Ang mga tradisyonal na sistema sa pag-review ay karaniwang nakakakuha ng mas mataas na traffic mula sa mga dismayadong kliyente, kaya maaaring hindi nito kinakatawan ang kabuuang kalagayan ng mga kliyente ng isang broker. Kaya naman binabalanse ito ng patuloy na paghikayat sa mga kliyente at nagbibigay ng mas magandang indikasyon ng totong karanasan ng mga kliyente.

✔️ 23 wika: Ang FXverify ay magagamit at nakasalin sa 23 wika, kaya pinagsasama-sama nito ang karanasan ng mga trader sa mundo na may iba't-ibang lenggwahe, sa pamamagitan ng pagsasalin ng bawat review at pagpapakita nito sa lokal na wika ng mga bumabasa.

✔️ Mano-manong pag-moderate: Ang bawat review sa mga forex broker ay mano-manong na-moderate ng isang administrator.

❌ Mga mapandarayang review: Ang mga mapandarayang review ng kalaban ng broker (o sarili nilang empleyado) ay buong-buo o kalimitang nababawasan, dahil kailangang patunayan ng bawat trader na mayroon silang real trading account sa broker at kailangan nilang ipaalam ang kanilang personal na impormasyon.

❌ Walang kaugnayang review: Ang mga walang kaugnayang review, na sinulat ng mga taong wala naman talagang real trading account sa broker, ay hindi pinapansin.

Masaya ka ba sa iyong broker? Gusto mo bang magbahagi ng mga opinyon at suhestiyon? 
Pumunta sa <a title="FXverify: Na-verify na reviews ng mga forex at crypto broker. Mula sa totoong traders, para sa lahat ng traders." href="../">forex broker reviews ng FXverify</a> at piliin ang broker mo mula sa listahan.

Tulungan ang komunidad sa tulong ng review mo. 👍