Mangyaring maglagay ng tamang numero
 

Tumpak na calculator ng margin ng forex upang matulungan kang matukoy kung magkano ang kapital na ginagamit upang magbukas ng isang kalakalan, batay sa laki ng posisyon at pagkilos ng account.

Ano ang Leverage & Margin

Ang Leverage ay nagbibigay daan sa isang nakikipagpalit na makakontrol ng mas malaking posisyon gamit ang mas kaunting pera (margin) kung kaya napapataas nito ang mga tubo at lugi. Ang pakikipagpalit na may leverage ay tinatawag din na pakikipagpalit nang may margin.

Ang Leverage ay napapataas potensyal na mga tubo at lugi. Halimbawa, bumibili ka ng EUR/USD na 1.0000 at walang leverage, upang tuluyang malugi, ang presyo ay dapat na umabot ng zero, o hanggang 2.0000 upang dumomble ang iyong puhunan. Kung ikaw ay nakipagpalitan gamit ang buong 100:1 na leverage, ang pababago ng presyo na 100 beses na mas kaunti ay magreresulta sa parehon tubo o lugi.

Ang Margin ay ang kapital na dapat mayroon ang isang nakikipagpalit upang makapagbukas ng bagong posiyon. Ito ay hindi isang bayad o gastos na binibigay muli pagkatapos isara ang pakikipagpalitan. Ang layunin nito ay para maprotektahan ang broker mula sa pagkalugi.

Kapag ang margin ng nakikipagpalit ay nalugi hanggang sng hanggang sa mababa sa tinukoy na porsyento ng paghinto, ang isa o lahat ng bukas na posisyon ay awtomatikong isasara ng broker. Ang isang margin call na paalala mula sa broker na maaaring sumunod pagkatapos ng pagpapalit na ito.

Paano Gumagana ang Leverage

Mula sa 100:1 na leverage ang isang nakikipagpalit ay maaaring magbukas ng posisyon na 100 beses na mas malaki kaysa sa magagawa nila nang walang leverage. Halimbawa, kung ang halaga ng pagbili ng 0.01 lot ng EUR/USD ay kadalasan ay $1000 at ang broker ay nag-aalok ng 100:1 na leverage, ang nakikipagpalit ay kailangan lamang ng $10 bilang margin. Siyempre, ang nakikipagpalit ay maaaring gumamit ng gaano katas na leverage na gusto niya.

Babala: Ang mas mataas na leverage ay mas mataas na panganib. Marami sa mga propesyonal ay gumagamit ng mababang ratio ng leverage, o maaaring wala, at katamtamang porsyento ng panganib sa bawat pakikipagpalit.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa leverage, tingnan ang aming artikulo na Ano ang Leverage sa Forex at Paano ito Gamitin.

I-embed ang calculator ng leverage at margin sa iyong website

Ang aming mga  gamit o calculator ay binuo at dinisenyo para makatulong sa komunidad ng mga trader na mas maunawaan ang mga sanhi at dahilan na maaaring makaapekto sa balanse ng kanilang account at sa kabuuang pakikipag-trading.

Kahit na ang mamumuhunan ay nakikipagpalitan sa Forex market o sa iba pang intrumentong pinansyal, ang aming kumpletong mga gamit para sa Forex at mga calculator ay nakaprograma para maprocess ang anumang datos na ipinasok.

Kung ikaw ay isang webmaster at kino-konsidera ang gamit o calculator ay makakatulong sa iyong website, malaya kang gamitin ito.

Ang naka-embed na widget ay maaaring gamitin nang simple lamang, o maaari itong ayusin para tumugma sa kulang ng iyong website. Kapag masaya ka na sa mga setting, kopyahin at idikit lamang ang panghuling code para ma-embed ang gamit o widget ng calculator sa iyong pahina.